Thursday, January 16, 2014

Blast off!

Nakakatuwang isipin na magkakaroon ng isang cartoon na ukol sa mga pananaw sa hinaharap. Sa katunayan, hindi ko sinusubaybayan ang seryeng ito sa hindi ko mawaring dahilan ngunit noong araw na ito’y pinapanuod sa ami’y napukaw ang atensyon ko. Dahil nga sa cartoon ito’y napakabilis ng mga pangyayari at mga transisyon kung saan mula sa pagdedeliver ng pizza noong gabi’y biglaan na lamang mayroong tumulak kay Fry, ang bida, sa isang tube at napayelo ito kung kaya’t nabuhay pa sya makalipas ng maraming taon nang hindi tumatanda (ang paliwanag sa pagkakatulak ay ipapakita sa mga susunod na palabas). 

Nakakatuwang nakakabahala ang mga ipinakitang mga makabagong teknolohiya sa pilot episode ng serye.  Tatlo rito ang siyang tumatak sa aking utak: ang suicide booth, mga priniserbang ulo ng mga kilalang tao, at ang nakatakdang computer-generated na trabaho mo.  Sa suicide booth at mga chips na magtatakda ng buhay mo, palagay ko’y ito ang repleksyon ng mga krisis na kinakaharap ng mundo o kaya ng bansa nila noon. Ito ang mga kanilang “palokong” suhestyon sa rumaragasang numero ng mga nilalang na depressed na maaaring ipahiwatig na ang teknolohiya sa hinaharap ay mayroong negatibong nosyon. Imbis na ang teknolohiya ay gagamitin sa pagpapaunlad, ito ang siyang ginawang instrumento upang maglimita at tumapos ng buhay ng tao sa mas mabilis at praktikal na pamamaraan. Kumbaga, ang mga tao ay sumusunod na lamang sa mga pattern at sistema na para bang ang mundo’y naging teknikal—isang malaking makinarya. Imbis na ang sangkatauhan ang kumontrol sa teknolohiya, ang teknolohiya ang siyang nangibabaw.

2012-25207
Guevarra, Julie Ann Olino

No comments:

Post a Comment