Tunay
nga namang isang seryosong karanasan sa isang tao ang pagkakaroon ng cancer.
Hindi ito isang karamdaman lamang na iinuman mo lang ng gamot at ipahinga ay
ayos ka na. Isa sa mga penomenong kinatatakutan ng mga tao nat ikipinanghihina
sa pagkakataong ikaw ay mapugaran nito. Kaya nga kahit na magkaiba man kami ng
pananaw ni Andrew Graystone, nagawa kong intindihin kung saan siya
nanggagaling, kung saan niya hinuhugot ang kaniyang mga sinasabi—humahanap siya
ng mga paraan upang intindihin at tanggapin ang parte ng kaniyang katawan na
nagdudulot sa kaniyang paghihirap. Gusto niyang salubungin at yakapin ang isang
panauhin na hindi imbitado, at kahit kailanma’y hindi inaasam na dumalaw ito,
sapagkat siya mismo ang lumikha nito at parte na ito ng kaniyang pagkatao.
Hindi
ko tinutuligsa ang kaniyang ipinaglalaban, ang akin lamang, mahirap talagang
tanggapin na i-romanticized ang isang karamdamang maaaring humantong sa isang
hangganan ng isang indibidwal. Pabor ako sa metaporang ginagamit sa pagtrato sa
cancer. “Masculine” at “militaristic” ang pagsasalarawan ni Graystone rito
sapagkat sa tuwing may cancer ang isang tao’y kadalasan ang mga salitang
lumalabas upang bigyang-lakas ng loob ay “malakas ka, magagawa mong manalo sa
laban!” o ‘di kaya’y “H’wag kang panghinaan ng loob, maging matibay ka at
ituloy ang laban.” Sang-ayon ako na maaaring nag-impluwensiya nito ay media
upang magkaroon ng bahid ng drama at mas pumatok sa masa ang balita ngunit sa
parehong pagkakataon ay naniniwala ako na pagbibigay ito ng respeto at
pagkakakilanlan sa isang taong kumakaharap sa isang kritikal na kondisyon. Para
sa akin, kung isasalarawan ko ang cancer sa mabulaklak na pamamaraan (“I want
to kiss my cancer goodbye” imbis na “cancer, you and me, outside!”), mas hindi
ko magagawang magkaroon ng positibong pananaw sa buhay. Positibo ang aking
pagtanggap sa karamdaman, ngunit ang hinuha kong magiging epekto nito’y hindi
ko mabibigyan ng pokus ang mas nararapat bigyan ng pansin kaysa sa pagtanggap dito—ang
paglunas sa sakit na ito.
Ihinayag
ni Graystone sa huli na parte na ang cancer ng kaniyang paglalakbay sa buhay, nagawa
nitong mapaunlad at mapatibay ang kaniyang pagkatao nang malagpasan niya ito. Sa
lahat ng kaniyang binitawang mga salita, nais kong malaman, papaano niya ito
nilunasan? Minahal at tinanggap nga lang ba, o, siya rin ay “lumaban”?
Guevarra, Julie Ann Olino
2012-25207
No comments:
Post a Comment