Sa
mga panahon ngayo’y bumibilis ang pagpapaunlad sa maraming aspekto ng ating buhay,
sa mga pamamalakad sa ating mga pang-araw-araw, at sa pamamalakad din ng mga
bagay na ating ginagamit para sa pakikipagkomunikasyon sa iba. Ang aking
tinutukoy ay isa sa mga niyayakap na makabagong teknolohiya ng mga Pilipino—ang
Android phones. Lumabas sa isang survey na “sa rehiyon ng South East Asia, ang
Pilipinas ang mayroong pinakamataas na Android penetration rate na umabot sa
91%” (Pinaroc, 2013).
Ano nga ba ang
Android? Ito ay isang operating system na dinebelop ng Android Inc., at ngayo’y
pagmamay-ari na ng Google. Ayon sa The Verge (2011), ito ay opisyal na nakilala
ng publiko noong ika-22 ng Oktubre taong 2008 sa porma ng HTC Dream. Ilan sa
mga tinataglay na na pundasyon nito ay: (1) pull-down notification window, kung
saan makikita sa isang listahan ang lahat ng mga transaksyon ng cellphone gaya
ng mga mensahe at email; (2) pagsuporta sa home screen widgets; (3) Gmail
integration; (4) at ang central na bilihan ng mga aplikasyon—ang Android
Market.
Ano ang mayroon
dito kaya tinatangkilik ito ng mga tao? Dinisenyo ito “para sa mga touchscreen
devices kaya kapansin-pansin na mayroon itong user interface na direktang
nagmamanipula ng mga proseso at gawain ng sistema sa pamamaraang tugma sa
realidad gaya ng pag-swipe, pagdirekta ng hawak pakaliwa, kanan, papaliit, at
papalaki” (Android.com). Isa pang halimbawa ay sa tuwing naglalaro ang isang
indibidwal ng racing, nagagawa nitong maramdaman na siya ay talagang naglalaro
sapagkat hindi mo kinakailangang pindutin sa screen kung kakaliwa ba o kakanan,
kundi, imamaneobra mo mismo ang iyong cellphone at susunod ito sa direksyon.
Samahan pa ng mga vibrations, porma ng haptic feedback, tuwing bumubunggo o
nasasagi sa gilid. Ang accelerometers, gyroscopes at proximity sensors ang
siyang may responsibilidad sa makatotohanang karanasan sa pagmamanipula ng
cellphone.
Isa pang alas nito ay ang pagiging personal nito o
customizable. Sa mga Android phones, mayroon kang kapangyarihang palit-palitan
ang theme ng cellphone mo kahit saan at kahit kailan na sa ayon mo. Mayroong
live wallpaper kung saan hindi lang basta imahe ang makikita mo kundi gumagalaw
na imahe at maaaring may interaksyon pa sa tuwing pinipindot mo o shinishake mo
ito. Mayroon ka ring kakayahan upang tanggalin at magdagdag ng mga aplikasyon
na nasa iyong homescreen.
Pagdating naman sa pamamahala ng baterya at memorya,
praktikal ang sistema na pinograma rito. Ito “ay dinisenyo rin upang hindi
masyado mag-consume ng baterya” (Verge Staff, 2011). Kung ang Facebook mo’y
hindi mo ginagamit ngunit nananatiling nais mo pa ring makakuha ng mga
notipikasyon, magagawa mo ito nang hindi nagagawang mabawasan ang baterya.
Kumbaga’y naka-idle lamang ito. Hindi mo na kinakailangan pang magsimula sa
wala at sa parehong oras ay wala masyadong masasayang na baterya mo.
Ang panahon ngayon ay tinaguriang “me generation” o mataas
na pagbibigay-halaga sa sarili sa pamamagitan ng pagseselfie at pagpapaskil ng
mga updates sa mga social networking sites. Kasama na rin dito syempre ang
pagpili sa ayos at disenyo ng iyong personal na pagmamay-ari. Sakto sa timing
ang Android phones, saktong-sakto sa ating panahon.
Batis:
Pinaroc, Joel,
2013. The Philippines continues to embrace Android. ZDnet. http://www.zdnet.com/the-philippines-continues-to-embrace-android-7000024072/.
March 4, 2014.
Verge Staff,
2011. Android: A visual history. The Verge. http://www.theverge.com/2011/12 /7/2585779/android-historyverge
staff. March 4, 2014.
Android. Android information. Creative Commotions 2.5. http://source.android.com/tech/
input/touch-devices.html.
March 4, 2014.
Guevarra, Julie Ann Olino
2012-25207
No comments:
Post a Comment