Wednesday, December 11, 2013

Babagwa

Nagustuhan ko ang The Fly sapakat tipo ko ang mga misteryosong palabas kung saan dahan-dahang natutuklasan ng mga manunuod ang mga pangyayari upang madatnan ang sagot. Dahil naniniwala ako na ang mga palabas ay salamin ng lipunan,ilang mga tauhan ay nahanapan ko ng mga simbolismo:
                Si Andre, isang napakatalinong scientist ngunit ang kanyang kinahantungan ay maagang pamamayapa sa hindi kanais-nais na anyo at paraan. Isa sa kaniyang simbolo ay ang pang-aabuso. Nagawa na niyang makagawa ng makabagong teknolohiya,  isang teleport na bagamat may mga napatunayan na, hindi pa rin nakuntento kung kaya’t ginawa niya pati ang sarili ang itaya para sa pagtuklas ng katotohanan. Hindi man para sa masama ang kaniyang motibo ngunit ikinasama naman ng kalagayan niya ito sapagkat ipinasawalang-bahala niya ang ibang salik o panganib na nakaantabay. Maaaring isinasalamin nito kung gaano kapositibo at kasigasig ang mga tao sa pagtuklas ng mga makabagong teknolohiya at aplikasyon sa larang ng Agham. Pangalawang ay ang realidad na may bentahe at disbentaheang paggamit ng agham at teknolohiya. Ipinamalas sa palabas kung gaano kagalak ang mag-asawa sapagkat magiging kilala na siya AT isa itong malaking hakbang ng buong mundo sa teknolohiya. Marami itong maibubungang bagong imbensyon at oportunidad para sa lahat. Sa kabilang banda nama’y kung inabuso’y maaari itong mauwi sa negatibong resulta. Pangatlo, sinisimbolo niya ang pag-asa. 1958 naisapubliko ang palabas at nagpakita na ito ng isang paghinuha na may halong pagnanais na isang imbensyon, ang teleport machine, na makakamit sa hinaharap. Isa itong indikasyon na determinado at mayroong motibasyon ang mga tao sa pagpapaunlad ng pinagsamang larang ng agham at teknolohiya.

Nangingibabaw sa karakter ni Helen ang pag-unawa, walang-wala nito si Andre.  Mula kay Helen, ang kakulangan ng agham at teknolohiya ay natural lamang. Hindi naman agaran ito mapeperpekto, sapagkat ito ay dumadaan sa proseso at maingat na pagsusuri.

Julie Ann Olino Guevarra
2012-25207


No comments:

Post a Comment