Maraming sinabi at ipinakita mula sa video tungkol sa mga natuklasan ng mga siyentipiko bilang posibleng paraan para makalakbay sa dimensyong oras bagkus ang tanging reaksyon ko lamang dito ay lugod kong ikinagagalak ang mga nadiskubre nila. Posible nga talaga tayong dumayo sa hinaharap o bumalik sa nakaraan.
Sa aking pagkakaalam ay masmahirap ang bumalik sa nakaraan dahilan sa masmadalas na “time dilation”, ang hinaharap lamang ang lagi niyang napupuntahan. Sa kabila ng mga nalaman ko, isa lamang sa mga bagay na isinaad ang ikinatuwa ko nang lubos at pinagkainteresan, ito ay ang blackhole.
Ang blackhole ay isang umiikot na bagay sa kalawakan na isang guwang, “high-mass object” at malakas ang gravitational pull. Sa loob nito ay naaply ang theory of relativity ni Einstein kung saan madalas nangyayari na tila para sa mga gumagalaw sa loob nito ay tama lang ang oras ngunit sa katotohanan para sa mga nasa labas nito nakikita nilang mabagal na ang kanilang pagkilos. Bagkus, bumabagal din ang oras sa loob nito. Sa pagpasok at pananatili sa blackhole, maaari at masuwerte na ang time traveller na makapunta sa hinaharap. Ngunit sa katotohanan ay di na maaaring makalabas ang time traveller dahil sa pagpasok niya dito ay di na siya maaaring makalabas at maaaring humantong sa kanyang kasiraan o kamatayan.
Sa kabila ng mga ito, natutuwa ako sa mga naiisip ng mga siyentipiko tungkol sa mga posibilidad na maaaring matupad sa ikauunlad ng madla at pagusad nito sa hinaharap sa pamamagitan ng TIME TRAVELLING. Subalit, para sa akin, marami mang proseso o di man maging posible ang time travel ngayon, iniisip ko na masmabuti pa rin ang mabuhay para sa ngayon total ito naman ang panahong masnangangailangan n gating pagkilos.
No comments:
Post a Comment